Si Rav Michael Laitman ay may PhD sa pilisopiya at Kabbalah, at M. Sc. sa Mediacal Cybernetics. Ng taong 1976, nagsimula siyang mag-aral ng Kabbalah, at noon pa man ay kanya na itong sinasaliksik.Taong 1979, natagpuan nya ang Kabalistang si Rabbi Baruch Shalom Halevi Ashlag, ang unang anak na lalaki at kahalili ng Kabalistang si Rabbi Yehuda Leib Halevi Ashlag, kilala bilang Baal Hasulam dahil sa kanyang Sulam (Bahagdan) kumentaryo sa Ang Aklat ng Zohar. Si Laitman ay naging pangunahing mag-aaral ni Baruch Ashlag at personal na taga-ayuda hangang sa pagpanaw ni Ashlag noong 1991. Gumugol ng maraming panahon sa tabi ng kanyang iginagalang na tagapagturo, si Laitman ay tinanggap sa kanyang guro ang karunungan at kaalaman sa unang pagkakataon.Si Rav Laitman ay nagtuturo ng Kabbalah sa mahigit na dalawampung taon, batay sa mga panulat ni Baal Hasulam. Siya ay naglathala ng tatlumpong aklat sa Kabbalah, at ang kanyang website, www.kabbalah.info, ay ang pinakamalaking pinagmumulan ng tunay na Kabbalah sa internet. Ang kanyang pang-araw-araw na pagtuturo ay naka broadcast ng live ng walang bayad sa Israeli TV at sa www.kab.tv/eng, na may kasabay na pagsasaling wika sa limang lengwahe.